×

Agricultural Training Institute's video: Agri Technology - Paggawa ng FFJ

@Agri Technology - Paggawa ng FFJ
Isa sa mga pangunahing pangangailangan upang makapag-alaga ng halaman ay ang mabisa at organikong pataba. Isa na rito ang katas ng burong prutas (KBP). Ito ay mas kilala sa tawag na fermented fruit juice (FFJ) na katas mula sa binurong prutas na mayaman sa bitamina, enzymes at hormones. Pinakamainam na gawing katas ng burong prutas ang mga hinog na prutas na mayaman sa potassium tulad ng saging (pati balat nito), mangga, papaya, avocado at magulang na kalabasa. Maraming benepisyo ang paggamit ng FFJ. Pinatataas nito ang elementong kailangan ng halaman sa pamamagitan ng mga dahon at ugat nito. Napapatamis rin nito ang bunga ng halaman. Tinutulungan rin ng FFJ ang halaman sa pagsipsip ng mga sustansya sa lupa at napapabilis nito ang paghinog ng mga prutas. Ito rin ay mabisang paraan ng pagpoprotekta sa mga halaman laban sa mga sakit at peste. Mabisa rin itong ipainom sa mga alagang hayop upang makatulong sa digestion. Manood at alamin ang tamang paggawa ng FFJ para sa ating mga pananim.

112

9
Agricultural Training Institute
Subscribers
21.9K
Total Post
224
Total Views
71.3K
Avg. Views
1.4K
View Profile
This video was published on 2020-07-02 15:04:24 GMT by @Agricultural-Training-Institute on Youtube. Agricultural Training Institute has total 21.9K subscribers on Youtube and has a total of 224 video.This video has received 112 Likes which are higher than the average likes that Agricultural Training Institute gets . @Agricultural-Training-Institute receives an average views of 1.4K per video on Youtube.This video has received 9 comments which are higher than the average comments that Agricultural Training Institute gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.

Other post by @Agricultural Training Institute