×

Ibrahim Kaisy إبراهيم القيسي's video: Umihi sa loob ng Masjid

@Umihi sa loob ng Masjid
Sajjadah(prayer mat) ginawang door mat ng ABS-CBN sa kanilang palabas? -Ang Muslim ay malawak mag-isip,pag-aralan ang bawat bagay at kunan ito ng aral. Ano ang nakita natin sa Sajjadah?,ginawa nilang doormat diba? It means apakan ng paa. Hindi ba’t may mga sajjadah sa ating mga kabahayan at minsan ay naapakan ito ng ating mga paa? At nauupuan natin ito? Yung iba ginawang trapo kapag luma na. Sa ginawa ng ABS-CBN ay maaring nasa dalawang intensyon: Una: Sinadya nila dahil anti-Muslim sila,kaya hindi natin yun ikakatuwa. Pangalawa: Hindi sila aware na sajjadah yun. Ano ang rulings ng mga Ulamah natin sa mga sajjadah na may ka’bah o mosque? Kapag sya ay nauupuan o naapakan ng isang nagsasalah. Ayun sa mga Ulamah ng mga salafiyyah tulad nila Shaykh ubn Uthaymeen,Shaykh Bin Baaz,Shaykh Al-bani(Rahimahumullah) at Shaykh Al-fawzaan at ibapa(Hafidhahumullah). Wala silang nakikitang mali sa paglagay ng larawan ng ka’bah sa sajjadah, at hindi rin ito pang-iinsulto,sapagkat hindi ito totoong larawan at sa katunayan ang tunay na kaabah ay naapakan at nauupuan din kapag may pumapasok at umaakyat sa itaas nito,ngunit mas mainam na iwan ito,ang pinaka concerned na dapat ingatan ay yaong nasisira o nagagambala nya ang focus o niyyah mo sa salah dahil sa nakikita mong larawan sa sajjadah,kaya ang Propeta Muhammad(SAW) noong nagsalah sya sa damit na may mga hugis-hugis o linya ay binalik nya iyon sa nagbigay sakanya dahil nagagambala ang kanyang pag-iisip sa salah. ———————— Yan ay isang tela lamang,hindi nya naibaba ang antas ng Islam,malakas at mataas parin ang Islam. Ang mainam saatin mga Muslim ay huwag tayong bumili ng mga sajjadah na may mga larawan na ganyan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sajjadah na iyan. Ang tunay na disrespectful at nagpapababa sa antas ang isang Muslim ay YAONG HINDI NAGSASALAH, MGA KASAMA NATIN SA ATING MGA TAHANAN NA HINDI NAGSASALAH,YUN ANG MAS MALALA NA DAPAT NATIN PAGTUONAN NG PANSIN, ANAK NATIN,KAPATID NATIN,PINSAN NATIN NA HINDI NAGSASALAH,BAKIT HINDI MUNA TAYO MAGALIT SA ATING MGA SARILI? Idagdag mo pa ang mga walang modo at mga walang respito sa mga ulamah na silang nagdadala ng relihiyon Islam,yun ang disrespectful sa Allah at sa kanyang relihiyon. MAHINA ANG UGNAYAN SA ALLAH AT MAHINA ANG PAGGALANG SA MGA ULAMAH. Dahil naniniwala ako na kapag nagtagumpay ang salah na syang nagsisilbing ugnayan natin sa Allah ay magtatagumpay ang mga Muslim at lalakas ang karisma ng mga Muslim at lahat ng tao ay gagalang sakanila,lagi natin tandaan na hawak parin ng Allah ang lahat. Maging mahinahon at huwag agad maging emosyonal. Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari mula noon hanggang ngayon,pero ang Islam ay namamayagpag parin. Kaya huwag magmumura. Nawa’y gabayan ng Allah sila upang maunawaan ang relihiyon Islam. At nawa’y bigyan tayo ng Allah ng tawfeeq na maitayo ang mga gawain inobliga nya saatin. At nawa’y patawarin nya tayo sa ating mga pagkukulang at pagkakamali. Allahumma Ameen. Allahu a’lam bissawab. -Jabber Yahya Mamoclo-

1.5K

181
Ibrahim Kaisy إبراهيم القيسي
Subscribers
300K
Total Post
1.1K
Total Views
462.3K
Avg. Views
9.2K
View Profile
This video was published on 2021-01-13 01:33:23 GMT by @Ibrahim-Kaisy-Vlogs on Youtube. Ibrahim Kaisy إبراهيم القيسي has total 300K subscribers on Youtube and has a total of 1.1K video.This video has received 1.5K Likes which are higher than the average likes that Ibrahim Kaisy إبراهيم القيسي gets . @Ibrahim-Kaisy-Vlogs receives an average views of 9.2K per video on Youtube.This video has received 181 comments which are higher than the average comments that Ibrahim Kaisy إبراهيم القيسي gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.

Other post by @Ibrahim Kaisy Vlogs