×

PEP TV's video: Johnny Manahan pinangalanan ang newcomers na dapat abangan at alagaan

@Johnny Manahan pinangalanan ang newcomers na dapat abangan at alagaan
Nagbigay si Director Johnny Manahan ng pangalan ng dalawang newcomers na dapat abangan at alagaan. Ang isa ay babae na ayon sa star-builder ay "Iba siya, e. Para siyang si Liza [Soberano]... She's a natural." Ang isa pa ay lalaki naman na nadiskubre raw nila sa YouTube at galing sa salat na pamumuhay. "Yung trabaho niya, sa pier. Nagbubuhat siya ng ano..." paliwanag ni Mr. M (popular na tawag sa kanya sa showbiz) sa staff ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang magpaunlak ito ng interview sa pamamagitan ng Zoom. Nakuha agad ng mga kausap niya na isang dating kargador sa pier ang ikinukuwento ni Mr. M na baguhang artista. Sa sobrang kahirapan nga raw nito, nag-aaral pa raw ang lalaking ito sa ilalim ng ilaw ng isang poste sa isang sidewalk. Nagbigay rin si Direk Johnny ng "formula" para sumikat ang isang baguhan sa showbiz. Panoorin ang video nang malaman kung sino ang dalawang newcomers na tinutukoy niya. At para sa mas detalyadong tips at payo kung paano maging sikat na artista, abangan ang article na How A Star Is Born, according to Star Magic Founder Johnny "Mr. M" Manahan dito lang exclusively sa PEP. Video Producer / Editor: FM Ganal Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph! Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox Follow us! Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/ Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts Twitter: https://twitter.com/pepalerts Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber Watch us on Kumu: pep.ph

309

48
PEP TV
Subscribers
862K
Total Post
9.5K
Total Views
3.7M
Avg. Views
20.5K
View Profile
This video was published on 2021-01-28 10:05:29 GMT by @PEP-TV on Youtube. PEP TV has total 862K subscribers on Youtube and has a total of 9.5K video.This video has received 309 Likes which are higher than the average likes that PEP TV gets . @PEP-TV receives an average views of 20.5K per video on Youtube.This video has received 48 comments which are higher than the average comments that PEP TV gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.

Other post by @PEP TV