×

Road To Progress's video: EXPLAINED Ang Tax Avoidance Scheme ng ABS-CBN

@EXPLAINED! Ang Tax Avoidance Scheme ng ABS-CBN
Sa litratong ito (shorturl.at/eoqHM) na shinare sa Facebook ng premyadong manunulat sa telebisyon na si Suzette Doctolero, makikita ang napakalaking deperensiya ng binabayad na buwis ng ABS-CBN kumpara sa GMA. Noong 2017 ay nagbayad ang GMA-7 ng P1.09 billion, kumpara sa P421 million na ibinayad ng ABS-CBN. Noong 2018 ay P1.08 billion ang binayarang tax ng GMA-7, samantalang hindi nagbayad ang ABS-CBN dahil ginamit ng network ang tax credits nito. Sa nakaraang taon, nagbayad ng mahigit isang bilyong piso ang GMA kumpara sa 152 milyong piso na binayad ng ABS-CBN. Sa mga naturang numero, hindi nangalahati ang binayad ng ABS-CBN na buwis kung ikukumpara sa GMA sa kabila ng pagiging pinakamalaking TV network ng channel 2. Ito ang isa sa mga isyung tinira ni SAGIP Party List Congressman Rodante Marcoleta. Aniya, parang nangutang ang ABS-CBN sa tindahan at binigyan pa ito ng sukli. Totoo ng aba ang mga paratang na ito? Ang nasabing negative tax payment ng network sa taog 2018 ay HINDI RAW totoo ayon sa Rappler (shorturl.at/eoD35). Ayon sa kanila, base sa audited financial statement na kanilang nakuha sa ABS-CBN, 4% ang biyarang buwis ng network sa nasabing taon. Ngunit batay sa opisyal na dokumento (shorturl.at/bopLS) mula sa Securities and Exchange Commission na nakuha na negosyanteng si Willy Ramasola na ipinablish ng Esquire Philipines (shorturl.at/ruwS0), totoo ang -5% na tax credit ang tinamasa ng ABS-CBN o wala silang binayaran bagkus sila pa ay sinuklian. Paano nga ba natakasan ng ang pagbabayad ng tamang buwis? Sa artikulong The ABS-CBN problem (shorturl.at/luBJ3) ni dating Senate President at batikang abogado na si Juan Ponce Enrile, inilatag niya ang mga dirty tactics ng network. Aniya, ang pagkakatatag ng Worldtech Holdings na mas kilala ngayong ABS-CBN Holdings ay nag silbing shell corporation para mag benta ng mga Philippine Depositary Receipts sa mga investor kabilang na mga banyaga. Dahil bawal ang pagmamay-ari ng mga banyaga ng anomang interes sa mass media sa bansa, ang ABS-CBN Holdings ang nagsilbing tulay dito. Dahil pagmamay-ari ng magkakapatid na Lopez na buong Filipino citizens ang ABS-CBN Holdings, bumili ito ng shares sa ABS-CBN Corportion upang ibenta bilang PDRs sa mga banyaga. Sa madaling salita, nilikha lamang ang ABS-CBN Holdings para magbigay daan sa mga investments ng mga banyaga na kalrong paglabag sa constitutional provision against foreign ownership on mass media. Ating sagutin ang tanong, paano nalusotan ng ABS-CBN ang pagbabayad ng buwis? Simple, gamit ang subsidiary nitong Big Dipper. Ang Big Dipper ay ang tax avoidance front ng ABS-CBN. Ito ang nangangasiwa sa content distribution at licensing sa lahat ng mga shows, films, at iba pang digital content ng ABS-CBN, na siyang panigakukunan ng malaking kita nito. Dahil wholly-owned ng ABS-CBN Corporation ang Big Dipper, lahat ng kita nito ay sa ABS-CBN din ang punta. Pero ano ang meron ang Big Dipper? Bakit ito ang naging mukha ng tax avoidance ng network? Para matakasan ang tax liabilities ng korporasyon, ipinalista nila ito sa Philippine Economic Zone Authority o PEZA. Ang PEZA ang nagbibigay ng mga tax holidays sa mga kompanya at korporasyong export-oriented. Ang tax holiday ay incentive na ibinibigay ng gobyerno sa mga korporasyon at kompanya bilang kapalit ng pag-iinvest sa bansa at paglikha ng mga trabaho. Bukod riyan, ang mga PEZA-listed companies ay pinapatawan lamang ng napakaliit na buwis na 5%. Para makatakas sa regular tax payments, sa Big Dipper ipinasa ng ABS-CBN ang malaking pinagkukunan ng kita nito. Simula pa noong 2016, nagreremit ang Big Dipper ng higit dalawang bilyong piso sa ABS-CBN Corporation, mas malaki ng 4 na beses kumpara sa kita ng network mismo. Ang mas malalang isyu, bakit pinayagan ng PEZA ang pagpasok ng Big Dipper gayung kalrong hindi naman ito export company. Ito ang ating tatalakayin sa susunod na kabanata. Napaka-ikli ng ating kasalukuyang episode. Batid naming kumplikado ng issue ng tax avoidance ng ABS-CBN. Pero ating pagnilayan at base sa common sense, kung ang ABS-CBN ang biggest network ng bansa at may pinakamalaking kita sa advertisement revenues, bakit hindi mangalahati ang kanilang binabayarang buwis kumpara sa GMA na di hamak na mas maliit na media company? Kayo na po ang mag husga.

432

89
Road To Progress
Subscribers
31.5K
Total Post
85
Total Views
1.9M
Avg. Views
34.4K
View Profile
This video was published on 2020-06-14 10:26:54 GMT by @Road-To-Progress on Youtube. Road To Progress has total 31.5K subscribers on Youtube and has a total of 85 video.This video has received 432 Likes which are lower than the average likes that Road To Progress gets . @Road-To-Progress receives an average views of 34.4K per video on Youtube.This video has received 89 comments which are higher than the average comments that Road To Progress gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.Road To Progress #ABSCBN has been used frequently in this Post.

Other post by @Road To Progress