×

Road To Progress's video: Ang Panghihimasok ng ABS-CBN sa Pulitika ng Pilipinas Part 2

@Ang Panghihimasok ng ABS-CBN sa Pulitika ng Pilipinas (Part 2)
Part I: https://youtu.be/ALJ2d2PG8Zk Sariwa pa sa iilan sa atin ang 2010 presidential elections. Napa sing-along tayo sa “nakaligo ka naba sa dagat ng basura” campaign Jingle ni Manny Villar at umasa naman tayo sa Tuwid na Daan ni PNoy. Sa kabila ng akala mo’y patas na halalan, maraming mga black propaganda ang naglipana. Isa sa mga tagapagpalaganap ng mga ito ay ang ABS-CBN. Sa kabila ng sinsiridad ng nooy-senador at bilyonaryong real estate developer na si Manny Villar, hindi siya pinatawad ng ABS-CBN at kanila itong pinabagsak gamit ang kanilang pagiging makapangyarihan sa pag-impluwensiya ng public opinion. Dahil all out ang suporta ng network sa anak ng kanilang patrong si Cory Aquino na si Noynoy, hindi nila sinayang ang kanilang kapangyarihan upang siraan ang nooy-nangungunang si Manny Villar. Kanilang tinuran na “Villaroyo” si Villar upang sakyan ang pagka dismaya ng publiko kay GMA. Nang mga panahong iyon, nababalot sa mga kontrobersiya si Arroyo at karamihan sa mga ini-endorso niya katulad ng matalinong si Gibo Teodoro ay humantong sa pagkatalo. Hindi lang ‘yan, nagpalabas din ang ABS-CBN ng di-umanoy investigative reports na nag-gigiit na sinadyang itinayo ni Villar ang C5 road extension sa Las Piñas para pakinabangan at umangat ang value ng kanilang malaking subdivision sa lugar. Samantala, yung mga ibang kandidato na sina Erap, Teodoro, at Madrigal ay pare-pareho rin ang kinahahantungan. Nang umakyat si Erap sa survey, laman ng mga balita sa ABS-CBN ang mga kinasangkutan nitong kaso at iskandalo nung siya pa ay pangulo at alkalde ng Maynila. Kabilang dito ang pangungurakot, jueteng, at eligibility ni Erap. Sa kabilang dako, si Teodoro ay tinuran nilang tuta ni Arroyo at si Jamby Madrigal naman ay kanilang pinabagsak sa pamamagitan ng pagbansag sa kanya bilang “kulelat” sa survey. Idagdag pa riyan ang pagkalkal nila sa mga problemang pampamilya ng dating senador. Paano ba nanalo si PNoy at ano ang papel ng ABS-CBN dito? Kung susumain, hindi masyadong kilala ng masa si PNoy noong mga kapanahunang iyon. Lumitaw lamang sa publiko ang pangalang Noynoy nang pumanaw ang ina nitong si former president Cory Aquino, na patron ng mga Lopez. Bago pa man pumanaw ang dating pangulo, si Mar Roxas na ang matunog na pangalan sa pagka presidente. Patok sa masa noon ang imahe ni Mar bilang isang Mr. Palengke. Lahat ng pangarap ni Mar patungong Malacañang ay naglaho nang magbigay-daan ito kay PNoy. Noong maupo si Noynoy bilang pangulo, ginamit niya ang ABS-CBN upang mapatalsik ang nooy Chief Justice Renato Corona. Katulad ng ginawa nila kay Villar, pina-ere ng network ang di-umanoy investigative report nila ukol sa tagong yaman ng mga Corona na sa huli ay di naman pala totoo. Naging matagumpay si PNoy sa pagpatalsik kay Corona noong July 2012 dahil sa kanyang malaking suhol sa mga Senador at Kongresista sa pamamagiatan ng Disbursement Acceleration Program o DAP. Ang boboto pabor sa impeachment ni Corona ay makakakuha ng malaking budget para sa kanilang distrito. Sa lahat ng mga senador, sina Senator Mirriam Santiago, Joker Arroyo, at Bongbong Marcos lamang ang bomoto kontra rito. Ang magandang relasyon ni Pnoy at ng mga Lopez ng ABS-CBN ay nagkaroon ng lamat. Umasa ang mga Lopez na babatiin sila at ang ABS-CBN ni PNoy dahil sa kanilang suporta sa eleksiyon at ang kanilang matagumpay na pambabatikos at pag-aakusa kay Corona na nakaapekto ng lubos sa public opinion. Imbes na pasalamatan, pinuna ni PNoy ang TV Patrol anchor na si Noli de Castro at ibang hindi-pinangalanang reporters dahil sa di-umanoy pambabatikos ng mga ito sa kanyang administrasyon. Hindi matanggap ng mga Lopez ang treatment na ito. Sa isang pagpupulong kabilang ang mga empleyado ng ABS-CBN, sinabi ng nooy-chairman na si Gabby Lopez na “kinalimutan yata ni PNoy na hindi siya magiging pangulo kung hindi dahil sa kanila”. Magmula noon, hindi na inimbita ng ABS-CBN si Aquino sa numang event nito; nagsimula rin silang maging kritikal sa dating pangulo. Dahil nakadepende ang negosyo ng mga kapatid ni Gabby na sina Oscar at Manuel Lopez sa desisyon at polisiya ng administrasyon, hinimok ng mga ito si Gabby na humingi ng paumanhin sa pangulo at mag-commit ng patuloy na pag-eere ng mga propaganda pabor sa administrasyon ngunit hindi ito ginawa ni Gabby. Pursigidong makaganti kay Aquino, hinimok niya ang kanyang mga empleyado nang magpadala ito ng mensahe mula sa kanyang opisina: “Do your job. We don’t owe anybody anything.” Nang pumutok ang DAP scandal at ang Mamasapano massacre, nagsimulang kumilos ang ABS-CBN sa pagpapabagsak kay PNoy. Ang laman ng mga balita ay ang papel ni PNOy sa dalawang scandal na ito. Ayon sa source ni Tiglao na taga Malacañang, gabi-gabing pinanonood ni PNoy ang TV Patrol at kalimitang nagagalit ito tuwing nakakapanood ng negatibong balita tungkol sa kanya. Namagitan ang kapatid niyang si Kris Aquino at nagkaroon siya ng one-hour interview sa kapatid niyang Pangulo na umere sa primetime slot.

1.3K

148
Road To Progress
Subscribers
31.5K
Total Post
85
Total Views
1.9M
Avg. Views
34.4K
View Profile
This video was published on 2020-05-23 15:29:57 GMT by @Road-To-Progress on Youtube. Road To Progress has total 31.5K subscribers on Youtube and has a total of 85 video.This video has received 1.3K Likes which are higher than the average likes that Road To Progress gets . @Road-To-Progress receives an average views of 34.4K per video on Youtube.This video has received 148 comments which are higher than the average comments that Road To Progress gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.

Other post by @Road To Progress