×

ShowVizs's video: Angelica nakahanap na ng bagong dyowa Kung isa kang pelikula sana wala kang ending 2021

@Angelica nakahanap na ng bagong dyowa Kung isa kang pelikula sana wala kang ending 2021
January 04, 2021 Angelica nakahanap na ng bagong dyowa Kung isa kang pelikula sana wala kang ending 2021 Bandera Tabloid Newpaper Content ================================= MAY nagpapasaya na sa puso ngayon ni Angelica Panganiban at finally inamin na niya ito kasabay ng pagpapalit ng taon. Isinabay ng dalaga sa pagputok ng mga kuwitis sa background ang paghalik sa lalaking minamahal base sa ipinost nitong larawan sa kanyang Instagram account Ang caption ni Angelica sa nasabing photo, “Kung isa kang pelikula, sana, wala kang ending.” Oo nga naman, sana nga wala nang katapusan ang kanilang pagmamahalan at sana’y sa ending at sa simbahan na ang tuloy Marahil ay dalang-dala na si Angelica na ikuwento o ipakilala sa publiko ang lalaking mahal niya dahil laging nauuwi sa wala. Sa madaling salita, nauusog kaya siguro sa pakakataong ito ay tahimik lang si Angge Pero kung nasusubaybayan n’yo ang digital show niyang simula sa episode 1 noong Set. 25 kung saan special guests niya sina Kim Chiu at Bela Padilla ay binubuking na siya kung sino ang kausap niya na inabutan niya niya ng baso at nakatingin sa taas Tanong ni Bela, “Ano ‘yung tingin sa taas, Angge?” Ang ganda naman ng mga ngiti ng dalaga. Hirit naman ni Kim, “Parang ang tangkad ng kausap mo, Angge?’’ Napamura naman ang aktres sa pambubuking ng mga kaibigan. Sundot ulit ni Kim, “Matangkad ba ‘yan? Nagpapa-sweet ka?” Say naman ng co-host ng aktres sa kanyang online show na si Via Antonio, “Bakit parang iba ang approach mo roon? May konting sweetness?’’ “Matangkad ba ‘yan, yes or no?” tanong ni Kim. Sabi ni rin ni Via, “Ask Anelica ito kaya kailangan mong sumagot?” At sinabayan ng sayaw nina Bela, Via at Kim ng, “Angge, puweden magtanong?’’ Napamura na naman sa katatawa ang host ng show at kahit na anong pangungulit ni Kim kung matangkad ay dedma pa rin si Angelica kaya next topic na. Sa tingin namin ay bago pa lang sina Angelica at ang mystery boyfriend niya dahil tanda namin noong nakatsikahan namin siya sa zoomference para sa digital show niya ay inamin niyang mag-isa lang siya sa kanyang unit Aniya, takot na takot siya dahil nga pandemic at lockdown at hindi niya alam ang gagawin niya. Nabanggit pa na mag-isa niyang inaakyat sa unit niya ang mga galon ng mineral water isa-isa Anyway, umabot na sa 401k likes at 6,284 comments (pawang pagbati) ang bagong larawan ipinost ni Angelica na hinahalikan ang non-showbiz boyfriend na nangangalang Gregg Homan at naka-private ang IG account Kaya naman pala todo-tanggi si Zanjoe Marudo sa sinasabing may relasyon at nabuntis niya si Angelica dahil hindi may iba talaga itong karelasyon Sabi nga ni Zanjoe sa tsikang buntis ang aktres sa kanyang vlog, “Sana nga totoo, kaso hindi, eh.’’ ================================= ******** ******** ******** Thank You For Watching Please Like And Share For More Latest Showbiz News SUBSCRIBE

1

0
ShowVizs
Subscribers
1.2K
Total Post
217
Total Views
32.5K
Avg. Views
524.9
View Profile
This video was published on 2021-01-04 03:45:39 GMT by @ShowVizs on Youtube. ShowVizs has total 1.2K subscribers on Youtube and has a total of 217 video.This video has received 1 Likes which are lower than the average likes that ShowVizs gets . @ShowVizs receives an average views of 524.9 per video on Youtube.This video has received 0 comments which are lower than the average comments that ShowVizs gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.ShowVizs #AskAngelica simula #showvizs #angelicapanganiban #chinchin #williammax ******** has been used frequently in this Post.

Other post by @ShowVizs