×

Superstarstruck's video: Nang Gulatin ni Nora Aunor ang Film Critics sa Tatlong Taong Walang Diyos

@Nang Gulatin ni Nora Aunor ang Film Critics sa "Tatlong Taong Walang Diyos"
Unang naging “SUPERSTAR” si Nora Aunor bago “AKTRES.” Balakid ito kay Nora para tanggapin bilang serious film artist ng lehitimong film critics. Kalakip ng kanyang titulong Superstar ang pananaw na malaking atraksiyon lamang siya sa takilya. Dahil sa stigmang ito, nalingat ang ibang kritiko sa pagyabong ni Nora sa nakalipas na mga taon. Bago ang “Tatlong Taon,” nagpakitang-gilas na si Nora sa “Carmela” (1973), “Paru-parong Itim” (1973), "Dalawang Muka ng Tagumpay" (1973), "Erap Is My Guy” (1973), “Fe, Esperanza, Caridad” (1974), "Hello ... Goodnight ... Goodbye" (1975), at “Banaue” (1975). FAMAS Best Actress nominee siya sa nakaraang apat na sunod-sunod na taon. Gayunman, mas mabango sa film aficionados ang mga seryosong aktres tulad nina Lolita Rodriguez, Charito Solis, Rita Gomez, at ang kahenerasyon ni Nora na si Hilda Koronel. Sa Critics Poll ni Mario Hernando noong 1976 para sa “Most Outstanding Actresses of Philippine Cinema,” hindi pumasok si Nora sa top ten. (Ginawa ang survey bago ang “Magandang Gabi sa Inyong Lahat,” “Tatlong Taong Walang Diyos,” at “Minsa’y Isang Gamu-gamo.”) Gayunman, sa paniniwala ni Jullie Yap Daza, isa sa respondents sa Critics Poll, “one good film is what [Nora] needs.” At lumabas nga ang AKTRES kay Nora Aunor sa tamang behikulo—sa “Tatlong Taong Walang Diyos”—na ikinagulat ng mga kritiko. Sabi ni Jun Cruz Reyes: “Ang talagang mahirap paniwalaan ngunit totoo ay ito: na si Nora pala’y hindi pangkantahan lamang. . . . Kung patuloy siyang mamimili ng papel na gagampanan . . . hindi malayong mabura ang tatak bakya sa panlasa ng ordinaryong manonood” (Sagisag, 1976). Sabi naman ni Domingo Landicho: “Ang pinakamalaking sorpresa ko ay ang makatotohanang pagganap ni Nora Aunor . . dito’y naipakita ni Nora Aunor na hindi na siya ang dating pakanta-kanta lamang na idolo ng mga tumitiling fans . . . (Pilipino Express, 1976). Naisakatuparan ang “Tatlong Taong Walang Diyos” dahil si Nora Aunor mismo ang producer nito. Nagawa ni Nora ang nais gawin bilang producer, at nagamit ang impluwensiya bilang superstar. Bold move na kunin niya ang serbisyo ng non-commercial film director na si Mario O’Hara. Napagsama niya ang dalawang Lino Brocka protégés na FAMAS Best Actors sa nakalipas na dalawang taon: sina Christopher de Leon at Bembol Roco. Pinili niyang makatrabaho ang theater actors mula sa PETA. Sumugal siya sa role ng isang outcast ng lipunan sa pelikulang may temang sumasalungat sa karaniwang pananaw sa Hapones noong Japanese occupation. Pumayag siyanga mamatay sa pelikula, kahit hindi magiging katanggap-tanggap sa fans—walang superstar na namamatay sa pelikula. Sabay niyang itinaya ang popularidad at sariling pera sa proyektong karaniwang di tinatangkilik ng manonood. Sa hakbang na ito ni Nora, natulungan din niyang paunlarin ang oryentasyon sa pelikula ng masang Pilipinong tumatangkilik sa kanya. Naging aware ang kanyang audience—ang masa—na ang pelikula ay may higit pang katuturan maliban sa pag-aliw. Sa pag-unlad ni Nora ay naakay niya ang masang kanyang kinakatawan sa pelikula, at napayaman niya ang panlasa ng kanyang madla. Sabi ni Nicanor G. Tiongson: “Producers and superstars of formula films should take their cue from Nora Aunor who as producer and superstar has begun to produce and appear in movies that seriously portray significant aspects of Filipino life, thereby helping the spread and development of good Filipino films, by exposing her audiences to these movies and creating among her followers a taste for better films” (Mr. & Ms., 1977). Sa gabi ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa CCP Little Theater noong February 21, 1977, sinalubong ang pagpasok ni Nora sa teatro ng masigabong palakpakan ng mga kritiko, akademiko, artista, at iba pang mga tagapelikula. Ang pagbubunyi ay tapik sa kanyang balikat, pagsang-ayon sa tinutungo niyang direksiyon bilang artista. Noong 1971, hinamon ng film critic na si Nestor Torre Jr. ang mga superstar na sina Nora Aunor, Fernando Poe Jr., at Dolphy na gamitin ang kanilang popularidad sa paggawa ng matitinong pelikula. “If … our superstars decided to appear only in well-made films, if Nora Aunor, Fernando Poe Jr., and Dolphy decided to lend their enormous box-office appeal only to credible and creditable movies, these three stars . . . could effect a new Golden Age in local movies” (Torre, Fookien Times Yearbook, 1971). Malinaw na tumugon si Nora Aunor sa hamon ni Torre. Isa siya sa malalakas na puwersang nagsulong sa pelikulang Filipino tungo sa isang Ginintuang Panahon mula 1976 hanggang 1984. Images in this video were scanned from actual photos owned by the Superstarstruck YouTube Channel. Text by Nestor D. R. De Guzman. All rights reserved. No part of the video may be reproduced without permission from the channel.

685

64
Superstarstruck
Subscribers
12.2K
Total Post
21
Total Views
3.2M
Avg. Views
150.4K
View Profile
This video was published on 2020-12-05 08:38:43 GMT by @Superstarstruck on Youtube. Superstarstruck has total 12.2K subscribers on Youtube and has a total of 21 video.This video has received 685 Likes which are lower than the average likes that Superstarstruck gets . @Superstarstruck receives an average views of 150.4K per video on Youtube.This video has received 64 comments which are lower than the average comments that Superstarstruck gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.

Other post by @Superstarstruck