×

Throy Catan's video: Ai-Ai delas Alas walang paki kay BB Gandanghari at sa mga nagba-bash sa kanya na BLACKPINK fans

@Ai-Ai delas Alas, walang paki kay BB Gandanghari at sa mga nagba-bash sa kanya na BLACKPINK fans
TINANONG ng PEP si Ai-Ai delas Alas kung nagkabatihan na ba sila ng dati niyang kaibigan na si BB Gandanghari. Matatandaan natin na nag-react si Ai-Ai tungkol sa isa sa mga vlog ni BB. Sa nasabing vlog, ikinuwento ni BB ang tungkol Jonathan at David noong 2001. Kalaunan, inamin ni BB na si David ay ang kanyang dating katauhan na si Rustom Padilla, at si Jonathan ay isang sikat na aktor sa bansa. Ayon ni Ai-Ai noon ay mag-move on na dapat si BB dahil baka madamay ang lalaking tinutukoy ni BB na nananahimik na ngayon. Nag-react ng negatibo naman si BB tungkol dito. Bago mag-New Year, nag-upload ng video si BB at nag-sorry siya sa mga nakaaway niya lasy year including her brother Robin Padilla, Lolit Solis at Cristy Fermin. Nag-sorry na rin ba siya kay Ai-Ai? “Ah, si BB Gandanghari. Hindi sa akin. Hindi siya nag-sorry." sabi ni Ai-Ai. Dugtong niya, "Hayaan mo na. Hayaan mo na siya. “Hayaan mo na siya huwag mag-sorry. Okay na yun. "Happy New Year na lang sa kanya," sabi ni Ai-Ai. Dagdag pa niya, “So, papanindigan ko na. Hayaaan mo na. “Di ba, yung unbothered sa Tagalog, walang paki? Hahaha! “Hayaan mo na. “...As long as buhay ako, na hindi naman ako mamamatay kung di siya mag-sorry sa ‘kin... “Basta yun na lang ang prinsipyo ko—until hindi naman ako mamamatay or magkakasakit ako, deadma na lang.” Samantala, inamin na nage-enjoy si Ai-Ai sa pagpe-perform ng kanta ng BLACKPINK. Tanggap din niya na sa kanyang trabaho ay meron magba-bash sa kanya dahil dito. “Na-embrace ko na rin. Aspect ng buhay natin nandiyan yung mga basher, di ba? “As long as hindi naman ako nakakasakit ng tao o nang-aapi ng tao, mas natutuwa pa nga yung iba, okay lang sa pagiging Unbothered Queen ko. “Basta happy naman ako sa ginagawa ko, and kasi talagang paborito ko kasi ang BLACKPINK. “At saka ayoko rin namang umarte. Huwag na rin tayong magpaka-plastic. “Pag kumakanta naman ako ng Korean, talagang nagte-trending. So, di ba, yun naman ang essence ng buhay? “Gusto mong mag-trend ka… di naman ako plastic, ha, talagang gusto kong mag-trend ako. “So, yun ang ginagawa ko, nagti-trend ako pag kumakanta ako ng Korean. So, gagawin at gagawin ko yun.” Inamin niya na mahirap mag-memorize ng Korean song pero dahil nae-enjoy niya ito, keri lang. “Mahirap din kayang mag-memorize ng Korean song. “Pag sinulat mo yun, di mo naman mababasa yun, e. “Dapat ang me-memorize-in mo, yung sa YouTube, yung easy lyrics. Pero ako, nakakanta ko yun. "So kahit papa'no, bigyan niyo naman ako ng merit, pwede ba yun?” natatawang sabi ng aktres.

2

0
Throy Catan
Subscribers
95.2K
Total Post
561
Total Views
342.6K
Avg. Views
4.7K
View Profile
This video was published on 2021-01-13 05:30:03 GMT by @Throy-Catan on Youtube. Throy Catan has total 95.2K subscribers on Youtube and has a total of 561 video.This video has received 2 Likes which are lower than the average likes that Throy Catan gets . @Throy-Catan receives an average views of 4.7K per video on Youtube.This video has received 0 comments which are lower than the average comments that Throy Catan gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.Throy Catan #AiAidelasAlas #BBGandanghari #BLACKPINK TINANONG has been used frequently in this Post.

Other post by @Throy Catan