×

TomoNews Philippines (Filipino)'s video: Binata nagpakamatay matapos in-interrogate ng mga pulis ng mahigit tatlong oras TomoNews

@Binata nagpakamatay matapos in-interrogate ng mga pulis ng mahigit tatlong oras — TomoNews
Like us on Facebook: http://www.facebook.com/TomoNewsPH Join our Google+ circle: http://plus.google.com/+TomoNewsPH YISHUN, SINGAPORE — Ang pagkamatay ng isang 14 years old na schoolboy mula Singapore ay naging mainit na usapan tungkol sa paraan ng mga pulis pagdating sa mga menor de edad. Ang binata ay kinuwestyon mag isa ng mahigit tatlong oras dahil sa isang kaso. Si Benjamin Lim mula sa Northview Secondary School, ay tumalon mula sa 14th floor ng apartment nila noong Martes. Ito ay nangyari ilang oras matapos ng interrogation sa kanya ng mga pulis tungkol sa isang 11 years old na babae na di-umano'y minolestya noong Lunes. Ito ay naganap noong Martes ng umaga nung dumating ang mga pulis na hindi naka uniform sa eskwela para kunin si Benjamin. Natawagan ang nanay ni Benjamin ng isang pulis gamit ang cellphone ng binata at nag kuwento tungkol sa babaeng minolestya. Sinabi ni Benjamin sa nanay na wala siyang kinalaman bago kinuha ng pulis ang cellphone. Pagkalipas ng mga oras, nagkandarapa ang nanay na makita at makausap si Benjamin ngunit pinigil siya ng mga awtoridad. Tinanong din siya tungkol sa ugali at grades ng binata. In-interrogate ng mga pulis si Benjamin ng mahigit tatlong oras. Tapos, sinabi nila sa nanay na umamin na si Benjamin sa pag molestya sa batang babae, na nakuha daw ng CCTV. Nag-request ang ina na makita ang footage ngunit tinanggihan siya. Ang na-traumang Benjamin ay pinakawalan ng mga 2:50 ng hapon at sinabi sa nanay wala talaga siyang kinalaman sa nangyari. Tinanong siya ng nanay na bakit siya umamin. Sabi ng binata, "Kasi pinagbibintangan ako ng lahat, e di ako na ang masama kahit wala naman akong kinalaman." Ayon sa batas ng Singapore, hindi kailangan i-record ang mga interrogation kaya walang footage. Hindi rin pwede samahan ng mga magulang ang mga menor de edad sa mga interrogation. Pag uwi nila, tumawag ang school counselor sa nanay at sinabi na hindi na pwede sumama sa school camping trip si Benjamin dahil sa nangyari. Nalungkot ang binata ng todo sa balita at nagkulong siya. Sinusian ng nanay ang kuwarto para pumasok dahil hindi naman nag-lo-lock ang anak niya. Wala ang binata sa loob ngunit nung dumungaw siya sa bintana… andoon na ang katotohanan. Ang bangkay ni Benjamin ay natagpuan sa ground floor sa labas ng kanilang apartment sa 14th floor. Matapos i-cremate ang binata, ang pamilya at mga kaibigan ay humihingi ng sagot sa mga awtoridad na maaring nagtulak sa binata na magpakamatay. ----------------------------------------­--------------------- For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_c... Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH

875

46
TomoNews Philippines (Filipino)
Subscribers
456K
Total Post
3.3K
Total Views
22.1M
Avg. Views
350.6K
View Profile
This video was published on 2016-02-04 19:07:30 GMT by @TomoNews-Philippines-(Filipino) on Youtube. TomoNews Philippines (Filipino) has total 456K subscribers on Youtube and has a total of 3.3K video.This video has received 875 Likes which are lower than the average likes that TomoNews Philippines (Filipino) gets . @TomoNews-Philippines-(Filipino) receives an average views of 350.6K per video on Youtube.This video has received 46 comments which are lower than the average comments that TomoNews Philippines (Filipino) gets . Overall the views for this video was lower than the average for the profile.

Other post by @TomoNews Philippines (Filipino)